ABS-CBN News banner
ABS-CBN News avatar
ABS-CBN News
@abscbnnews
订阅数1910万
总播放144.3亿
视频数28.9万
ABS-CBN News发布于 2026年6月3日 13:191:05
Suspek sa panghoholdap sa mga junk shop sa QC, arestado matapos madulas sa pagtakas | ABS-CBN News thumbnail

Suspek sa panghoholdap sa mga junk shop sa QC, arestado matapos madulas sa pagtakas | ABS-CBN News

3天前爆发期
ABS-CBNNews_ExclusiveABSCBNNewsExclusive20260603abscbnnewsexclusiveABS-CBNABS-CBN Newsnews
发布时间
2026年6月3日 13:19
视频时长
1:05
视频类型
新闻政治
频道地区
菲律宾
发布时间判断
发布时间判断数据不足
当前频道还缺少完整的历史发布时间模式,建议继续累积频道数据后再观察最佳时段命中情况。
商业化判断
暂无明确商业化标签
当前视频更适合从播放增速、互动质量和同主题竞争情况来判断后续变现空间。
动作建议
优先观察持续增长能力
当前视频基础条件较完整,建议继续观察近7日播放和收入是否稳定抬升,再决定是否扩写成系列内容。
播放量
484
点赞数
2
评论数
2
日预估收入
-
累计预估收入
$0.22 - $1.27
RPM 区间
$0.45 - $2.63
1日涨播放
0
7日涨播放
0
1日涨点赞
0
7日涨点赞
0
1日涨评论
0
7日涨评论
0
速度分
0%
主题聚类
ABS-CBNNews_Exclusive
视频说明
Isang lalaki ang naaresto matapos umanong mangholdap ng isang junk shop sa Quezon City, pero bigong makatakas nang madulas sa pinangyarihan ng krimen. Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), ang suspek ay kabilang umano sa riding-in-tandem na responsable sa serye ng panghoholdap sa mga junk shop sa lungsod. Batay sa CCTV footage noong Abril 20 sa Barangay Baesa, makikitang hinoldap ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo ang isang junk shop. Naabutan sila ng may-ari ng establisimyento, na napilitang tumakbo matapos tutukan ng baril ng isa sa mga suspek. Sa pagmamadaling makatakas, natumba pa ang motorsiklo ng mga salarin. Noong Mayo 10 naman, isa ring junk shop sa Barangay Bahay Toro ang pinasok ng mga kawatan. Ayon sa ulat, ginapos umano ang mga biktima bago tinangay ang humigit-kumulang P60,000 at mga cellphone ng mga empleyado. Muling umatake ang mga suspek nitong Lunes ng madaling-araw sa isang junk shop sa Barangay Talipapa. Kuwento ng may-ari ng establisimyento, nagpanggap muna ang dalawang suspek na magpapatimbang ng tanso at nagtanong tungkol sa presyo nito bago biglang magdeklara ng holdap. “Yun na po, pumasok sila bigla, dun na po sila bumunot ng baril at nagdeklara ng holdap. Sa takot ko po, ibinigay ko na ang laman ng bulsa ko na nagkakahalaga ng P1,500,” ani ng biktima. Matapos makuha ang pera, paalis na sana ang mga suspek ngunit nadulas ang isa sa kanila dahil sa hindi pantay na bahagi ng sementadong daan. “Nadulas po siya doon. Doon ako nakakita ng pagkakataon na sunggaban siya, tapos doon na kami nagpambuno,” dagdag ng biktima. Habang nakikipag-agawan ng baril ang biktima sa suspek, humingi siya ng tulong sa kanyang kapatid hanggang sa mapigilan nila ang armado. Sa gitna ng kaguluhan, nakatakas naman ang kasamahan nito at iniwan ang motorsiklong ginamit sa krimen. Agad namang rumesponde ang mga nagpapatrolyang pulis at inaresto ang suspek. Ayon kay PLt. Col. Von Alejandrino, Station Commander ng QCPD Police Station 3, mabilis na nakarating sa lugar ang kanilang mga tauhan matapos humingi ng saklolo ang mga biktima. Sinabi rin ng opisyal na lumalabas sa kanilang imbestigasyon na ang mga suspek ang nasa likod ng serye ng panghoholdap sa mga junk shop sa Quezon City. Modus umano ng grupo ang magkunwaring may ibebentang scrap materials at magtanong ng presyo bago magdeklara ng holdap kapag napansing kakaunti ang tao sa establisimyento. Narekober mula sa suspek ang isang semi-automatic na baril na isasailalim sa ballistic examination, gayundin ang mga motorsiklong ginamit sa mga krimen. Nabawi rin ang perang tinangay mula sa huling biktima. Samantala, natunton din ng pulisya ang tumakas na suspek sa pamamagitan ng iniwang motorsiklo. Kalaunan ay kusang isinuko ito ng kanyang mga magulang sa mga awtoridad. Ayon sa pulisya, ilang beses nang naaresto ang dalawang suspek at dati ring nagtrabaho sa mga junk shop, dahilan upang maging pamilyar sila sa operasyon ng mga naturang negosyo. Humingi naman ng paumanhin ang isa sa mga suspek at sinabing “dala lamang ng pangangailangan” ang kanilang ginawa. Ngunit iginiit ng biktima na mas mabuting maghanap ng marangal na pagkakakitaan kaysa gumawa ng krimen. Nahaharap ngayon ang dalawang suspek sa kasong robbery at illegal possession of firearms. (Jeff Caparas,ABS-CBN News) For more ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgy6PGn5--qRRixkhltg5hE For more News Digital News Raw Cuts, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmiOw9mcoSbzoyp25AAZAAdn For more Breaking News & Live Coverage videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgG2ln-vtKXb-oLlGEZc3sR For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmjA30dKUQCDlG7vy38QQk-Y Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch full episodes on iWantTFC for FREE here: http://iwanttfc.com Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews #ViralNews #LatestNews #ABSCBNNews
同主题推荐
围绕当前主题继续看高相关视频,帮助判断选题空间和内容形态。
主题:ABS-CBNNews_Exclusive
暂无足够的同主题视频数据。
视频常见问题

以下问题重点解释这条视频能看什么、收益为何是估算值,以及如何把它用于内容研究与竞品分析。

这个视频页能看出什么?

你可以查看播放、点赞、评论、RPM 与收益估算、发布时间、主题标签、相关视频以及所属频道背景,用来判断内容表现和后续选题方向。

为什么 RPM 和收益只是估算值?

实际收入会受到广告填充率、受众地区、季节性、广告主需求与是否开启变现等因素影响,因此页面给出的数字更适合做趋势判断和横向比较。

怎么用这个视频页做内容研究?

建议结合发布时间、主题标签、相关视频与频道历史内容,观察什么题材、节奏和发布窗口更容易拿到播放与商业化表现。