影片說明
Nilinaw naman ni Sen. Risa Hontiveros na may pakialam pa rin ang ilang miyembro ng minorya kay dating Senador Jinggoy Estrada, na inaresto kahapon dahil sa kasong plunder.
‘Yan ang naging tugon ni Hontiveros sa sinabi ni Sen. Rodante Marcoleta na hindi man lang lumapit o tumapik kay Estrada mula sa mga miyembro ng minorya nang inaaresto na ito.
Pero ayon kay Hontiveros, humanga pa nga siya nang sabihin ni Estrada na haharapin nito ang kaso.
Nanindigan naman si Hontiveros na hindi isyu ang pagiging independent ng Senado sa pag-aresto kay Estrada, kundi pagsunod lang sa batas.
Kaugnay naman sa sinabi ni Marcoleta na magsisimula lang ang pagkakaisa sa Senado kung muling itutuloy ang pagdinig sa maanomalyang flood control projects, sinabi ni Hontiveros na handa naman sila na patuloy na lumahok sa pagdinig.
Pero hindi pa umano malinaw ang isinusulong ni Marcoleta na Senate Blue Ribbon Subcommittee
Pero para kay Hontiveros, magkakaroon lang ng pagkakaisa sa Senado kung papasok at patuloy na magtatrabaho ang mga senador, lalo pa’t malapit nang mag-adjourn ang Senado.
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: https://www.gmanetwork.com/radio/
Facebook: https://www.facebook.com/dzbb594
Twitter: https://twitter.com/dzbb
TikTok: https://www.tiktok.com/@dzbb
Instagram: https://www.instagram.com/dzbb594khz/
Threads: https://www.threads.net/@dzbb594khz
#SuperRadyoDZBB595khz #DZBB #BreakingNews