影片說明
Si dating Chief Justice Renato Corona ang kauna-unahang Punong Mahistrado na na-impeach sa kasaysayan ng Pilipinas. Noong 2012, napatalsik siya nang mahatulang guilty at i-convict ng Senate impeachment court sa botong 20-3 noong Mayo 29, 2012.
Kabilang sa mga naging batayan ng kanyang impeachment ang umano’y hindi pagsasapubliko ng kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), gayundin ang mga reklamong betrayal of public trust at culpable violation of the Constitution.
Tumagal nang halos limang buwan ang impeachment trial ni Corona—isang makasaysayang pagdinig na mahigpit na tinutukan ng publiko at nagdulot ng magkakaibang reaksyon mula sa iba’t ibang sektor. May mga pumabor sa naging desisyon ng Senado, habang may ilan ding kumuwestiyon sa naging resulta ng impeachment.
Balikan ang ilang ulat ng TV Patrol noong araw ng hatol ng impeachment trial na minsang naging sentro ng atensyon ng buong bansa.
Mga ulat nina:
Noli De Castro
Korina Sanchez
Ted Failon
Ryan Chua
Lynda Jumilla
Ina Reformina
RG Cruz
Jeff Canoy
Atom Araullo
Jing Castañeda
Pinky Webb
#TVPatrolThrowback
#ABSCBNNewsArchives
Subscribe to the ABS-CBN News channel! - https://www.youtube.com/@abscbnnews
Watch full episodes on iWant for FREE here:
http://iwanttfc.com
Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS
TikTok: https://www.tiktok.com/@abscbnnews
Twitter: https://twitter.com/abscbnnews
Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews
#ABS-CBNNews
#NewsDigital
#LatestNews
#PhilippineNews