影片說明
Panayam kay former Sen. Antonio Trillanes IV kaugnay sa pag-usad ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at ang muling pagtakas ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
Binigyang diin ni Trillanes na valid ang warrant ng ICC kung saan inihalimbawa nito ang pag-serve ng warrant kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na siyang dahilan ng pagdala nito sa The Hague, Netherlands.
Hindi rin aniya siya kumbinsido sa mga palusot ni Sen. Bato dahil kung ma-detain siya sa Netherlands maari silang magkita ni FPRRD araw-araw at kung nanaisin niya ay pwede pa raw niya itong ipagluto.
Kinondena rin ni Trillanes ang mga naging hakbang ni Senate President Alan Peter Cayetano sa pagharang ng warrant of arrest laban kay Sen. Bato na naging dahilan ng putukan sa loob ng Senado.
Aniya, kilalang-kilala niya ang mga galaw ni Cayetano simula pa noong siya ay Speaker of the House kung saan inakusahan niya itong gumawa rin ng eksena sa Kamara para lang hindi ito mapalitan bilang Speaker.