影片說明
Inalmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Miyerkoles, Hunyo 3, ang naging desisyon ni Senate President Alan Peter Cayetano na kanselahin ang sesyon sa Senado, kasunod ng umano'y paghatid kay Senador Jinggoy Estrada matapos ihain ng Sandiganbayan ang arrest warrant laban sa senador.
"I don't think na ihahatid mo ang isang senador para pumunta kung saan siya pupunta, hindi yata sapat na dahilan 'yan para i-cancel ang isang session," ani Marcos.
"Ang pagkaintindi ko, naging congressman naman ako, naging senador din ako. Ang rules diyan, bago ka mag-cancel ng session, you have to inform the other House three days before you cancel a session. And there has to be a very good reason for canceling a session," dagdag niya.
#ABSCBNNews #LatestNews