影片說明
Karamihan sa atin, maaaring hindi alam na ang bigas na kinakain natin ay mula sa katas ng kahirapan ng ating mga magsasaka.
Sa bawat subo natin ng kanin, lingid sa ating kaalaman, ipinangungutang pa ng mga magsasaka ang pananim.
Ang kanilang inaasam-asam, magandang ani, mabayaran ang kanilang ipinangutang na palay na kanilang tinanim.
Nagkalat ang mga dorobong buyer sa tuwing anihan ng palay. Ang kanilang puhunan, laway lang gamit ang kanilang matatamis na dila.
Ilagay natin ang sarili natin sa mga kawawang magsasakang ito. May makikinig kaya? May maaawa kaya? May uunawa kaya?
Kaya ba nating umaksiyon, isuka, labanan at tuldukan ang ganitong mga panloloko sa ating mga maliliit na magsasaka?
#ipaBITAGmo #rice #farmer
SUBSCRIBE: https://bit.ly/2pzg3IJ