影片說明
Pormal nang sinampahan ng kasong graft and corrupt practices at malversation of public funds ang St. Timothy Construction Corp. na pag-aari ng mag-asawang Curlee at Sara Discaya, pati na ang walong opisyal ng DPWH. Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano nitong Huwebes (Hunyo 4), isinampa ang mga kaso sa Regional Trial Court sa Malolos, Bulacan matapos ang masusing imbestigasyon sa kontrobersyal na proyekto.
Dagdag ni Clavano, lumalabas na nagbayad ang DPWH Engineering Office ng P53 milyong piso para sa pagsasaayos ng riverwall sa Bulusan, Calumpit, Bulacan kahit walang sapat na dokumentong nagpapatunay na natapos ang naturang proyekto.
#ABSCBNNews #LatestNews